pic of the day: FLAGPOLE
naalala ko noong nasa elementary ako eh pinangarap kong magtaas ng bandila sa flagpole ng iskul namin tuwing bayang magiliw na este tuwing flag ceremony. kaso ni minsan di ako pinili ng titser. may favoritism kasi…kawawang bata. pero gayun pa man eh nasubukan ko namang akyatin ang flagpole gaya ng batang ito…wag nyo nang ipagka-ila…wag nyong sabihing di nyo rin binalak o sinubukang akyatin ang flagpole sa iskul.
spiderman…ikaw ba yan??? is that you???
pic of the day: “FLAGPOLE”
spiderman…ikaw ba yan??? is that you???
pic of the day: “FLAGPOLE”
May future ka sa palosebo.
ReplyDeleteglentot may future nga. Hehe.
ReplyDeletewahha di ko na try to no... :D
ReplyDeletebut natry ko magtaas ng bandila :D
axl, at least nakatry ka ng isa...hehe
ReplyDeleteNa miss ko tuloy ang mga flag ceremony noong hindi pa ko college.
ReplyDeleteGaling ng bata ah... sa perya sya paglaki! hehehe
ReplyDeleteAko nung elementary kami ng bestfriend ko ang madalas ng magtaas -baba ng bandila...boyscout e...
@will, wala ngang flag ceremony sa college
ReplyDelete@mokong...may talent nga yung bata. nung pinipicturan ko yan eh antagal nyang nakakapit sa pole..para nga syang magnet eh...hehe
asiong, ang galing ng mga kuha mo kahit na phone pics lang yan.
ReplyDeleteheniwei, binabasa ko ang 'about me' mo, and muntik na akong mapaiyak, kasi nakarelate ako masyado dun. meron din kasi akong the great D eh. bipolar nga lang. pero im proud of you for saying that out load. us depressed people should look out for each other. hehe. all the best, man!
salamat claudiopoi...salamat din pala at nagkarun ka ng time para basahin yung about me tab ko, alam ko bihira kasing napapadpad dun. di lang nila alam ang story sa likod ng mga pictures o ng blog ko. wow bipolar ka pala, uni ako pero halos parehas lang yun..its a D pa rin...dati, hindi ako ganito kaopen about D...napaka taboo kasi parin sa pinas na pag nalaman nilang nagpunta ka sa psychiatrist eh siraulo ka na. i have a purpose o reason kung bakit gumawa ako ng blog...i have so many stories to tell, specially about D kaya lang di pa ako nagpopost kasi dati wala talaga akong mga followers...masaya na ako at naka19 nako. masaya ako at nakilala kita, i want to know more about you and your story. thanks uli.
ReplyDeletenaks naman. salamat sa mga words mo asiong.
ReplyDeleteactually, nahirapan din akong mag open up dati to people about depressions, kasi hindi siya ganung ka accepted sa pilipinas. sa amerika, pwede pa. kapag ka nagshare kasi ako dati about it, parang tinatanong nila if meron daw ba akong problema sa pag-iisip. i think kasi, society expects us to be happy all the time, and that if we are sad, at least may rason.
kaso ang sadness ng depression, walang rason eh. kusang nalulugmok nalang ang tao sa depresyon.
good thing for me din, nakahanap ako ng support group. mga taong depressed din. at madalas naming pinag-uusapan ang mga experiences namin, at yung mga nafi-feel namin each time may depression episode.
actually, gusto ko nga magsulat minsan about it. ill inform you if makakagawa na ako ng piece na ganun. ayt?
take it easy, man. (at sorry sa litanyang ito. na carried away much ako eh, hehe) :)
batang spiderman yan asiong.. ajhehehhehee
ReplyDeletedi ko kaya ang maglambitin sa pole!lol hahahahahahaha
ReplyDeleteastig. human flag!
ReplyDeletedi man lang ako nakapagsabit ng flag. nagaral din ako knot-tying para dun pero di nabigyan ng chance.
ReplyDelete@claudiopoi, masaya ako at may nakilala akong tulad ko rin...usap tayo minsan...bigay ko sayo email ko...
ReplyDelete@xander, agree ako...isa syang batang spiderman
@sir dong, napakaversatile nung bata noh? spiderman na, flag pa! hehe
@ladyinpurple, diko rin kaya pero may talent sya noh?
@sir z joya, ok lang yan..pareho lang tayo..