haunted places in Baguio

asiong’s halloween special
Laperal White House: dinadaan-daanan ko lang ito noon, diko nga to pinapansin eh pero maraming nagsasabi na haunted daw ang bahay nato. hanggang sa pinalabas yung movie na white house kamakailan… eto at naging interesado akong kunan ng picture. pinipilit ko nga yung guard na magpicture sa loob kaso bawal daw, sayang…
10252010(004)
10252010(020)
10252010(042)
10252010(016)
10252010(039)
10252010(030)
10252010(044)

TEACHERS CAMP: mula sa kinatatayuan ko eh matatanaw mo na ang teachers camp. pagkatapos kung magpicture sa laperal white house eh tumuloy nako sa teachers camp. ipinatyo noong 1908 para magsilbing bahay bakasyunan ng mga guro. dito, talagang marami na akong naririnig na ghost stories. haunted daw talaga ang lugar nato pero sa maikling sandali na pamamalagi ko dito eh wala naman akong naramdaman o nakita man lang…hmmmm..baka natutulog pa sila..hehe
10252010(047)

10252010(052)

10252010(064)

10252010(054)

10252010(072)

10252010(075)


10252010(079)


CAMP JOHN HAY: dati, hindi ako nakakakita ng multo. nabuksan lang ang third eye ko last year nung nagtrabaho ako sa isang malaking company dito sa john hay and the rest is history. maraming nagsasabi na maraming multo dito at ako mismo ang magpapatunay nyan. dito ako nakakita ng multo for the first time. may lalaking nakaputi, manang na nakaduster, white lady at marami pa. pero ang nagpatayo ng balahibo ko talaga eh si manang na nakaduster. papasok nako ng work noon, panggabi ako. malapit lang ang bahay na tinitirahan ko sa john hay so nilalakad ko na lang. siguro mga bandang alasais ng gabi na noon pero maliwanag parin ang paligid. naglalakad ako nun at sa di kalayuan eh may babae na nakaduster na tumawid tapos biglang nawala, ilang metro lang talaga ang pagitan namin. magkakasalubong dapat kami sa daan pagkatawid nya pero bigla syang nawala. diko na pinansin nung una kaso pagdating ko dun sa tinawiran nya eh isang malalim na bangin at dun sa kabilang kalsada kung saan sya tumawid eh bundok na area na puro pine tree. sa takot ko eh binilisan ko na lang maglakad.
10162010(011)

10162010(017)

10162010(016)

kung nakapunta na kayo dito sa camp john hay eh malamang narinig nyo na o nakita yung eco-trail. palagi akong dumadaan dito kung gusto kong maglakad at magshortcut papuntang town. may kaibigan pala ako na bagong salta sa baguio last year. taga bulacan sya. nung bago palang sya dito sa baguio eh nagpunta sya ng john hay para makita yung eco park. maganda yung eco trail dito sa john hay, maraming puno, may mga batis din at dadaan ka sa mga maliit na tulay at may hanging bridge at tatagus eto sa harap ng nevada square malapit na sa town. mahilig ding gumala yung kaibigan ko kagaya ko kayat nagpunta syang magisa. maggagabi na nung nakarating sya sa john hay. tuwang tuwa sya nung nakarating sya sa eco park. mahaba ang eco park, nung nakalahati na niya itong lakarin eh nawala na sya sa gitna mismo nung gubat. hanggang sa inabutan na sya ng dilim. di na nya alam kung paano bumalik at kung saan sya lalabas. “it was a terrifying experience he said. I was lost in the middle of nowhere. I was cold and I was scared. everything is pitch black. I was sitting there for the rest of the night hearing voices! different voices! I heard babies crying, little children, dogs barking, howling…voices screaming and crying.” these are the very words that came out of his mouth…naawa talaga ako sa kanya nung ikweninto nya yun. nung lumiwanag na ang paligid eh nag-apura na syang umalis at hinanap ang daan palabas.

john hay eco trail…

10162010(015)



LOAKAN ROAD: magtanung tanong ka sa mga taxi driver at marami silang maikwekwentong kababalaghan. nagtrabaho ako dati sa economic zone sa loakan road, alas once pasok ko nun, nasa kalagitnaan na kami ng daan ng biglang bumisina ng malakas si manong driver at biglang may iniwasan. walang katao katao o ibang sasakyan, kaming dalawa lang ang bumabaybay sa kalsada nung mga oras na iyon. wala rin naman akong nakitang aso o pusa na muntik ng masagasaan. bigla na lang kasing may iniwasan si manong driver na animoy muntik na nyang mabangga. nanahimik lang ako, pagdating ko sa work tinanong ko sya. manong...ano po yung iniwasan nyo sa daan kanina??? sabi nya may pumapara na babaing nakaputi sa gitna ng daan. pakshet naman si manong driver, di nya sinabi agad sa akin. kinilabutan talaga ako nung narinig ko yun. gaya ng sabi ko last year lang nabuksan third eye ko. sa loakan ako nakakita ng white lady at lalaking maiitim.

kung matindi yung nangyari sa kaibigan ko sa eco-trail eh matindi rin yung karanasan ng isa kong kaibigan sa loakan road. alas dose ng gabi ang labasan namin sa work during that time dito sa loakan. may motor yung kaibigan ko so nauuna syang nakakaalis sa amin palagi habang kami ay nag-aantay pa ng taxi papuntang town. nasa kalagitnaan na sya ng daan ng may masalubong syang mama na naglalakad na nakabarong, animoy may dadaluhang kasal. simula noon, di na sya umaalis na magisa kailangan nyang bumuntot sa taxi palagi..hahaha

loakan road...

SM Baguio: disclaimer lang po, diko po sinasabing haunted ang SM baka mademanda pa ako, hehe. gusto ko lang ibahagi yung karanasan ng isang gwardia sa SM. panggabi itong si manong guard at marami daw pala multo dito sa mall na to sa gabi. may sumasakay ng escalator, may white lady na bantay sa loob ng isang sikat na net shop, may mag-ina pa daw na nag stroll at tumatagos sa fiber glass pero ang matindi daw eh yung sa parking area sa basement. sabi nya sakin eh ayaw na ayaw nyang ma-assign dun.




DIPLOMAT HOTEL: maliban sa mines view, ito ang madalas kong tambayan sa Baguio kung gusto kong mapagisa at magpaka-emo. marahil ay pamilyar na kayo sa lugar na ito. ilang beses na itong nailathala sa mga pahayagan at naipalabas sa telebisyon. maraming nagpupuntang mga espiritista at mga ghost hunter dito. diko na pahahabain pa ito, kung gusto nyo ng detalyadong info at larawan eh may nailathala akong diplomat hotel dito sa blog ko.




gusto nyo bang makakita ng multo??? buksan ang iyong mga mata at titigan ang larawang ito...




HAPPY HALLOWEEN!!!!!!!!

Comments

  1. hehe so cool.. nice shoot ka... sabi ko sau eh di mo need ng slr to be a good photographger eh.. nice shoot ha...
    na miss ko tong baguio na to hehe.. lalo na ung white house.. sabi na eh may multo dian eh.. whahah kc noong pumunta kami ng baguio ng friend ko ayaw nia maniwala na may ghost sa loob kasi sabi ko may nakatingin sa bintana.. whhaha.. hanggang sa ipalabas ung white house sa sm movie hehe... ung sa teacher village.. tagal na kwento yun pero di ko na puntahan kasi medio maulan yung mga time na yun hehe.. nice entry :D

    ReplyDelete
  2. hala...pag undas din post mo asiong...awoooohh! ganda ng mga kuha mo...

    ReplyDelete
  3. thanks, tama ka axl, pero pangarap ko paring magkadslr, malapit na kasing masira itong cellphone ko, palaging namamatay, pag nasira pato eh wala na akong pangpipicture, wala rin akong digicam...abangan mo yung part 2 nito axl, i still have more stories. kahapon ko lang to kinuha lahat...u

    ReplyDelete
  4. uu tolits, pang undas nga, may part two pa ito tas may video rin akong ginawa tungkol sa isang haunted house sa baguio rin kaso nga lang kailangan kong maghanap ng mabilis na internet para maupload ko dito sa blog.

    ReplyDelete
  5. awww... scary.. nung nakita ko yung trail nung movie na white house.. niresearch ko agad about dun.. katakot nga.. mukhang totoo nga na may multo dun.. hhehehehe.. aw2wwwooohhhhh!!!

    ReplyDelete
  6. xander, gusto ko nga mag ghost hunt sa loob eh kaso ayaw magpapasok nung guard kahapon...bawal daw...sayang...

    ReplyDelete
  7. aww asiong mukhang exciting yun ahh.. hehehe.. sayang naman..

    ReplyDelete
  8. Ayos usapang katatakutan... gusto ko yan... hehehehehehe... tamang tama sa halloween! hehehehehe

    ReplyDelete
  9. WTF naman yung nangyari sa friend mo huhu baka kung ako yun hindi ako makasurvive kasi takot ako sa dilim... Marami daw talagang mga ganito sa Baguio... ask the taxi drivers na naghahatid sa Loakan...

    ReplyDelete
  10. @Xprosaic, salamat sa pagbisita. nakumpleto ko pala tong post nato so may nadagdag na stories at pics...

    ReplyDelete
  11. @glentot(idol), agree ako sau, WTF talaga nangyari sa kanya. speking of loakan eh basahin mo nangyari sa isang friend ko rin..kattapos ko lang makumpleto ang post na ito...salamat sa pagdalaw...hehe

    ReplyDelete
  12. dear asiong,
    di ako takot...di ako takot..di ako takot....takot ako !!!!

    ReplyDelete
  13. efd, naalala ko tuloy yung programa sa channel 2 dati...yung sina agot isdro ba yung bida??? okat okat...hehe

    ReplyDelete
  14. ito na--puro na mga haunted haunted.huhuhu

    pero uo nga---yan ang ayaw ko sa baguio minsan kasi nga maraming mga stories about ghosts e matatakutin pamandin ako.lol

    ReplyDelete
  15. anton, pareho lang pala tayong takutin..hehe

    ReplyDelete
  16. jan ba nagshooting ang sa white house?

    ang tindi nga ng nangyari sa friend mo dun sa eco trail.. bat naman kasi nagpunta xa dun ng mag isa.. scary.. waaaaahh

    ReplyDelete
  17. @ginger, yup dun nga sila nagshooting...

    pareho kasi kaming mahilig gumala so yun nacurious masyado sa eco trail...

    ReplyDelete
  18. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  19. ay teachers camp.. yieeee.. alala ko nung nagstay kami diyan dati.. madalas ako nagigising pag hating gabi kasi parang may naglalakad sa room namin.. tas yung parents ko naman nagrent ng house dun kasama ng mga kagrupo nila, may nakita daw silang footsteps pag gising nila..

    siiyeet.. kinikilabutan ako.. pramis..

    nga pala maiba ako..
    san pala ser sa baguio yung diplomat hotel?

    ReplyDelete
  20. Neneng, maraming multo talaga sa teachers camp. Yung pinsan ko dun din cla nagrent dati tas nagising n lang xa may nakitang white lady sa taas ng double deck n kama.

    Matatagpuan ang diplomat hotel sa tuktok ng lourdes grotto. Actually pwedi n xang lakarin pag matyaga ka. Sumakay ka ng jeep na dominican hill at ibababa ka na dun! Kung mahina loob mo at matatakutin ka eh wag k n lang pumunta. May mga frens ako na nasapian at naopen ang 3rd eye nung nagpunta dun!

    ReplyDelete

Post a Comment