Tuesday, June 21, 2011

regal shocker

REGAL SHOCKER!

as far as I can remember, Regal Shocker is a horror-drama anthology in the 80’s or early 90’s or something. correct me if im wrong.

isang gabing naglalakad akong pauwi at ito ang tumambad sa aking dinadaanan…

06182011(001)hgo

aaminin ko na bigla akong nagulat sa nakita ko. wari ko’y nakakita ako ng multo. pagmasdang mabuti ang nasa larawan. sapatos pa lang eh nakakatakot na tas nakaitim pa na damit.

mabilis kasi ang lakad ko at nakatingin lang ako sa dinadaan ko nang biglang tumambad si lola sa harapan ko at saktong kami lang ang tao sa sidewalk na to. kung bibigyan ko to ng caption ang larawang ito eh papangalanan ko tong “Regal Shocker”. kasi pang Regal Shocker talaga! hehe

huminto ako sa paglalakad at tumayo di kalayuan kay lola at kumuha ng litrato. si lola pala ay isang sidewalk vendor dito sa baguio at may kinukuha lang sya dun sa kanyang munting storage room na yun. mga alas nwebe na nang gabi nung kinuha ko ang mga larawang ito.

06182011(002)jgfi

06182011(003)uuho

06182011uho

new banner

ewan ko ba kung bakit ko pinost to. naaliw lang talaga ako dun sa unang larawan kasi talagang nagulat ako sa nakita ko. para sakin nakakatakot sya in a way. pang shake, rattle and roll din! lol

camera ng cellphone to kaya pangit ang resolution pag gabi.

5 comments:

  1. Creepy naman. Mas nakakatakot kung ikaw lang mag-isa sa hallway tapos nakita mo yun.

    Favorite ng tatay ko yang Regal Shocker, lagi niyang sinasabi na mas nakakatakot yun kesa sa SRR.

    ReplyDelete
  2. thanks for the follow. followed you back :)

    ReplyDelete
  3. hindi nyu lang alam mas natakot yung matanda! hihihi

    ReplyDelete
  4. anu ba yun.. pasaway ka pati yan di mo pinalampas. hehehe katakot ha :D

    ReplyDelete
  5. kakagulat nga at kayo lang pa talaga dalawa nung una mong nakita.

    ReplyDelete